Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)

Psalm 24 ( Awit 24)

May 24, 2021·2 min
Episode Description from the Publisher

Ang Dios ang Dakilang Hari 24 Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon. 2 Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat. 3 Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? 4 Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. 5 Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Dios na kanyang Tagapagligtas. 6 Iyan ang mga taong makakalapit at sasamba sa Dios ni Jacob. 7 Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo upang makapasok ang Haring makapangyarihan! 8 Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoong malakas at matatag sa pakikipaglaban. 9 Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo upang makapasok ang Haring makapangyarihan! 10 Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan. Tunay nga siyang Haring makapangyarihan! Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Podzilla Summary coming soon

Sign up to get notified when the full AI-powered summary is ready.

Get Free Summaries →

Free forever for up to 3 podcasts. No credit card required.

Listen to This Episode

Get summaries like this every morning.

Free AI-powered recaps of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) and your other favorite podcasts, delivered to your inbox.

Get Free Summaries →

Free forever for up to 3 podcasts. No credit card required.