
Dalangin ng Pagpapasalamat 30 Panginoon, pupurihin ko kayo, dahil iniligtas nʼyo ako. Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako ng aking mga kaaway. 2 Panginoon kong Dios, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako. 3 Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay. 4 Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. 5 Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya. 6 Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko, “Wala akong pangangambahan.” 7 Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo. 8 Tumawag ako sa inyo, Panginoon, at nanalangin ng ganito: 9 “Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan? 10 Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!” 11 Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, 12 para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Podzilla Summary coming soon
Sign up to get notified when the full AI-powered summary is ready.
Free forever for up to 3 podcasts. No credit card required.

Psalm 31 (Awit 31)

Psalm 29 (Awit 29)

Psalm 28 (Awit 28)

Psalm 27 (Awit 27)
Free AI-powered recaps of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) and your other favorite podcasts, delivered to your inbox.
Free forever for up to 3 podcasts. No credit card required.